top of page

Search Results

221 items found for ""

  • Grace Under Pressure: Living up to the Thomasian Community

    After 3 years of bumping into the same familiar faces along the corridors of the building, Roque Ruaño now houses its new breed of Thomasian Engineers. One of the thousands is an Electrical Engineering Student from 1-6 EE, Kyla Mae Salonga. She is 18 years of age, and she graduated from Don Mariano Memorial State University in La Union. Here are the thoughts of Kyla of how it feels to be a Thomasian: “I think super surreal nong feeling kasi ever since na dumadaan ako sa harap ng UST, at lagi kong tinitignan yung UST and at some point parang vinivisualize ko na parang ‘oh paano pag dito nako nag-aaral’ at ngayon pag tinitignan ko sarili ko at naka-uniform, parang napaka surreal na ‘oh part na pala ako ng Thomasian Community’”. Yet despite that her thoughts are as satisfying and overwhelming, there are still struggles and challenges that she faces and overcomes as she tries to cope up to the Thomasian Community. UST, being a big university that admits different people from different places makes her a little uncomfortable, but with courage and determination, she simply tells herself, “sinasabi ko nalang sa sarili ko na pumunta ako dito para magaral and if magkaron ako ng friends, it’s a good thing." Hands down to her Thomasian spirit! Paving all the way to Manila from La Union, Kyla comes to the University with her goals and expectations to live up to, yet as well as her fears to fight and overcome. Her expectations starts with the university being heart-warming and home-coming, and kudos to UST for being able to satisfy her hopes. She said that, “Ineexpect ko no’ng pumunta dito ako is magiging welcoming yung mga tao and hospitable which is nafeel ko talaga no’ng welcome party, welcome walk and orientation. Feeling mo talaga belong ka dito.” Any Thomasian would definitely agree that UST is the university that embraces all its constituents with warmth. Kyla also envisions herself to be someone to bring glory to UST in the near future, that people would not only look up to her as well as to where she came from. She stated in her words, "yung masasabi nila ‘oh sa UST pala siya galing.’” Yet despite her hopes, she also has fears, but her bravery can still be shown as she stated it, “My fear is probably failure talaga pero you know di naman mawawala na matatakot ka sa failure, sometimes kailangan mong iaccept yon kasi yun yong maglelead sayo sa success.” She also stated that she intends to live up those expectations and fight her fears through prayer and believing in yourself. Truly, there is nothing that prayer and perseverance can’t overcome. Kyla, with a strong self and determination battles her all way into becoming one of the Thomasian Engineers that would contribute to the betterment of society in the future. Interview by: Lyanne Vital Photo by: Raisa Ramos

  • 24 organisasyon nanumpa ng katapatan at karangalan

    Isinulat ni Kevin Glenn L. Yee | NANUMPA ng karangalan at katapatan ang mga opisyales ng 24 organisasyong pinamumunuan ng mga mag-aaral ng Facultad ng Inhinyerihiya sa isang seremonya na idinaos sa Santísimo Rosario Parish noong Biyernes, ika-10 ng Agosoto 2018. Mahigit kumulang 100 mag-aaral ng Inhinyerihiya na namumuno ng kani-kanilang organisasyon tulad ng Engineering Student Council, mga mother organization at local organizations ang dumalo sa nasabing panunumpa. Pinangunahan ni Rev. Fr. Roberto Luanzon, Jr., OP, Regent ng Facultad ng Inhinyerihiya, ang misa sa nasabing seremonya. Matapos ang misa ay pinangunahan naman ni Krizia Mharee A. Poja, Chairwoman ng Engineering Comelec, ang panunumpa ng mga pinunong mag-aaral ng panunungkulan na sasalamin sa ideolohiya ng isang Tomasino, at paglilingkod ng tapat, marangal, at masigasig sa kani-kanilang nasasakupan para sa taong akademikong 2018-2019. Ang nasabing panunumpa ay naisagawa sa pagtutulungan ng UST Engineering Division for Student Alliance (UST EDSA) at ng Pax Romana - Engineering Unit.

  • EXCITE idinaos para sa bagong mag-aaral ng fakultad

    Isinulat nina Jennica Chen, Revelation Gan at Camille Mosqueda | MATAPOS ang dalawang taon, nagbukas na muli ang Roque Ruaño para sa mga bagong mag-aaral ngayong taong akademikong 2018-2019. Ginanap ang unang araw ng EXCITE: Engineering Freshman Student Assembly noong ika-3 ng Agosto na pinangunahan ng Engineering Student Council (ESC), Engineering Division of Student Alliance (EDSA), at ng League of Engineering Majors (LEM). Mayroong iba’t ibang aktibidad na inihanda upang makilala ng mga bagong mag-aaral ang isa’t isa. Samantala, ang ikalawang araw ng EXCITE ay ginanap sa TARC Auditorium at Central Lab Auditorium noong ika-7 ng Agosto. Nagpakilala ang mga opisyal ng ESC at EDSA sa mga bagong mag-aaral ng Faculty of Engineering. Sinundan ito ng pagkilala at pagpapaliwanag ng kinatawan ng bawat organisasyon ang kani-kanilang mga tungkulin at layunin para sa mga bagong mag-aaral. Sinundan ito ng pag indak at palaro mula sa UST Engineering Dance Troupe (EDT). Mahimig na awitin naman ang inihandong ng UST One Voice Engineering Chorale (OV). Tinapos ang nasabing pagtitipon sa pamamagitan ng palaro.

  • Libo-libong Tomasino dumalo sa taunang Thomasian Welcome Walk

    IKA-6 NG AGOSTO 2018 - Opisyal nang binuksan ng Unibersidad ng Santo Tomas ang kaniyang pinto para sa mga bagong mag-aaral sa kolehiyo. Kabilang na rito ang mga mag-aaral mula sa Fakultad ng Inhinyeriya. Tumawid na sa makasaysayang Arch of the Centuries ang mga bagong mag-aaral na siyang hudyat ng pagiging ganap na Tomasino; kasunod ang misa na pinangunahan ng UST Vice Rector na si Fr. Richard Ang, O.P. Ipinaalala niya sa kaniyang homilya na tayo ay dapat mabuhay sa pagbabago. Isinulat ni: Revelation C. Gan

  • "Hanapin ang katotohanan", himok ni Arsobispo Caccia sa mga Tomasino

    Isinulat ni Kevin Glenn L. Yee | PINANGUNAHAN ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na si Arsobispo Gabriele Giordano Caccia ang pagbubukas ng taong akademikong 2018 – 2019 sa pagtatanong kung bakit nandito sa Unibersidad ng Santo Tomas ang mga dumalo sa taunang Misa de Apertura. Nakatuon ang homilya ni Arsobispo Caccia sa paghahanap ng katotohanan sa gitna ng mga puwersang mapanlinlang tulad ng kapangyarihan, takot at kaginhawaan. “When we stop looking or searching for the truth, we are guided by other interests, we are not free, we are slaves. Jesus said the truth will make you free,” wika niya. Ipinaalala ni Caccia na hindi na ang katotohanan ay hindi natitigil sa pag-aaral ng mga libro at pagtatapos sa pamantasan, kung hindi ay nagpapatuloy ito sa pamumuhay ng may mas malalim na pananampalataya lalo na sa kasalukuyang panahon. Ibinigay niyang halimbawa ay ang si Saint Thomas Aqunas, isang kilalang pilosopo at teologo ng simbahang Katolika at patron ng unibersidad. Sa pagbubukas ng panibagong taong akademiko ay ipinagdasal ni Caccia ang mga Tomasino na sila ay gabayan ng Banal na Espiritu sa kanilang patuloy na paghahanap sa katotohanan.

bottom of page