Isinulat nina Jennica Chen, Revelation Gan at Camille Mosqueda |
MATAPOS ang dalawang taon, nagbukas na muli ang Roque Ruaño para sa mga bagong mag-aaral ngayong taong akademikong 2018-2019.
Ginanap ang unang araw ng EXCITE: Engineering Freshman Student Assembly noong ika-3 ng Agosto na pinangunahan ng Engineering Student Council (ESC), Engineering Division of Student Alliance (EDSA), at ng League of Engineering Majors (LEM). Mayroong iba’t ibang aktibidad na inihanda upang makilala ng mga bagong mag-aaral ang isa’t isa.
Samantala, ang ikalawang araw ng EXCITE ay ginanap sa TARC Auditorium at Central Lab Auditorium noong ika-7 ng Agosto. Nagpakilala ang mga opisyal ng ESC at EDSA sa mga bagong mag-aaral ng Faculty of Engineering. Sinundan ito ng pagkilala at pagpapaliwanag ng kinatawan ng bawat organisasyon ang kani-kanilang mga tungkulin at layunin para sa mga bagong mag-aaral. Sinundan ito ng pag indak at palaro mula sa UST Engineering Dance Troupe (EDT). Mahimig na awitin naman ang inihandong ng UST One Voice Engineering Chorale (OV). Tinapos ang nasabing pagtitipon sa pamamagitan ng palaro.
Comments