IKA-6 NG AGOSTO 2018 - Opisyal nang binuksan ng Unibersidad ng Santo Tomas ang kaniyang pinto para sa mga bagong mag-aaral sa kolehiyo. Kabilang na rito ang mga mag-aaral mula sa Fakultad ng Inhinyeriya. Tumawid na sa makasaysayang Arch of the Centuries ang mga bagong mag-aaral na siyang hudyat ng pagiging ganap na Tomasino; kasunod ang misa na pinangunahan ng UST Vice Rector na si Fr. Richard Ang, O.P. Ipinaalala niya sa kaniyang homilya na tayo ay dapat mabuhay sa pagbabago.
Isinulat ni: Revelation C. Gan
Comments