Isinulat ni Kevin Glenn L. Yee |
NANUMPA ng karangalan at katapatan ang mga opisyales ng 24 organisasyong pinamumunuan ng mga mag-aaral ng Facultad ng Inhinyerihiya sa isang seremonya na idinaos sa Santísimo Rosario Parish noong Biyernes, ika-10 ng Agosoto 2018.
Mahigit kumulang 100 mag-aaral ng Inhinyerihiya na namumuno ng kani-kanilang organisasyon tulad ng Engineering Student Council, mga mother organization at local organizations ang dumalo sa nasabing panunumpa. Pinangunahan ni Rev. Fr. Roberto Luanzon, Jr., OP, Regent ng Facultad ng Inhinyerihiya, ang misa sa nasabing seremonya.
Matapos ang misa ay pinangunahan naman ni Krizia Mharee A. Poja, Chairwoman ng Engineering Comelec, ang panunumpa ng mga pinunong mag-aaral ng panunungkulan na sasalamin sa ideolohiya ng isang Tomasino, at paglilingkod ng tapat, marangal, at masigasig sa kani-kanilang nasasakupan para sa taong akademikong 2018-2019.
Ang nasabing panunumpa ay naisagawa sa pagtutulungan ng UST Engineering Division for Student Alliance (UST EDSA) at ng Pax Romana - Engineering Unit.
Comments