top of page

"Hanapin ang katotohanan", himok ni Arsobispo Caccia sa mga Tomasino

Isinulat ni Kevin Glenn L. Yee |

Kuha ni Michelle Veras

PINANGUNAHAN ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na si Arsobispo Gabriele Giordano Caccia ang pagbubukas ng taong akademikong 2018 – 2019 sa pagtatanong kung bakit nandito sa Unibersidad ng Santo Tomas ang mga dumalo sa taunang Misa de Apertura.


Nakatuon ang homilya ni Arsobispo Caccia sa paghahanap ng katotohanan sa gitna ng mga puwersang mapanlinlang tulad ng kapangyarihan, takot at kaginhawaan. “When we stop looking or searching for the truth, we are guided by other interests, we are not free, we are slaves. Jesus said the truth will make you free,” wika niya.


Ipinaalala ni Caccia na hindi na ang katotohanan ay hindi natitigil sa pag-aaral ng mga libro at pagtatapos sa pamantasan, kung hindi ay nagpapatuloy ito sa pamumuhay ng may mas malalim na pananampalataya lalo na sa kasalukuyang panahon. Ibinigay niyang halimbawa ay ang si Saint Thomas Aqunas, isang kilalang pilosopo at teologo ng simbahang Katolika at patron ng unibersidad.


Sa pagbubukas ng panibagong taong akademiko ay ipinagdasal ni Caccia ang mga Tomasino na sila ay gabayan ng Banal na Espiritu sa kanilang patuloy na paghahanap sa katotohanan.

9 views

Comments


bottom of page