Jhannah Soriano
Sumapit na ang uwian
Bumalik akong gumagapang
Pamilya ko, wag kayong magluksa
Ang burol ko'y
Ihahanda
Ang kabaong hindi mahintay, nakalatay
Sa aking kwarto
Lumaban ako ng walang tulog (o ligo)
Nangangamoy patay
Nangangamoy tagumpay!
Sa ngayon, hayaan ang sariling gumuho
Malibing sa ilalim ng mga kumot
Diwa ko rin ay maghihilom
Saka na muna
Saka na muna babangon
Comments