Isinulat ni: Euclid Jornacion Iginuhit ni: Jean Orme
โ๐ผ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ.โ, isang palasak na kataga mula kay Dr. Jose Rizal na magpahanggang ngayon ay binibigyan ko pa rin ng malalim na pagpapahalaga at kahulugan. Ito ay sumasalamin sa halaga, pagmamahal, at pag-asa ni Rizal sa bigat ng responsibilidad nating mga kabataan sa ating bayan. At bilang isa ring Tomasino, tinatanggap ko ang hamon sa atin โ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ.
๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐๐๐ฅ๐, ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ, ๐ฆ๐๐ค๐๐๐๐ฒ๐๐ง, ๐ฆ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ข๐ง, ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ญ๐๐ค๐จ๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ. Ito ang ilan sa mga katangian ng ating pambansang bayani na dapat nating taglayin at ipamalas bilang mga Pilipinong nagsisikap na maging direksyon ng pag-asa.
Ngunit paano nga ba natin ito maipamamalas nang tama? Paano nga ba natin maisabubuhay si Rizal bilang Pilipino at maging bilang isang Tomasino? Oh โeto, sagot ko ang ilang mga munting panuntunan ukol dito.
Una, ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ข๐๐จ๐๐ฃ๐คโฆ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐จ๐ฉ๐-๐๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ช๐ข๐ช๐จ๐ช๐ ๐ค! Tinatanggap niya ang bawat nababatong hamon at ginagawa ang lahat upang masolusyunan gamit ang tamang prinsipyo. Maihahalintulad natin ito sa kung paano tayo ipinaglaban ni Rizal sa mga Kastila. Maaalalang gumawa siya ng masining at banayad na paraan upang subukang hadlangan ang pananakop sa ating Inang Bayan. Tinta at papel ang naging sandata upang labanan ang tiranya at opresyon ng unang panahon.
Pangalawa, ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ข๐๐จ๐๐ฃ๐คโฆ ๐ข๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐ค! Katulad ni Rizal, marapat na malalim ang respeto at pagpapahalaga natin sa ating mga pamilya, mga kaibigan, at mga kababayan.
Pangatlo, ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ข๐๐จ๐๐ฃ๐คโฆ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ โ๐ฎ๐๐ฃ! May dangal at kakayahang lumingon sa pinanggalingan! Ang paglimot sa nagdaan ay katumbas ng pagbura ng kahulugan ng kasalukuyan. Huwag tayong mapagpanggap, bagkus, itaas ang noo at ituon ang atensyon sa liwanag ng tama at nararapat. Katulad ni Rizal, bagamaโt siyaโy nangibang bansa, hindi pa rin niya hinayaang tuluyang magluksa ang ating bayan. Hayun! Bumalik sa pinanggalingan upang akayin ang mga uhaw sa kalayaan at demokrasya.
Pang-apat, ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ข๐๐จ๐๐ฃ๐คโฆ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ข๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐! Mapa-araw o gabi, walang isip-isip sa pag-alok ng kanyang kamay sa iba bastaโt kaya niya. At ang pagtulong, ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ฑ๐ช๐ญ๐ช โ๐บ๐ข๐ฏ! Mapa- pamilya man, kaibigan, o kapwa, sagot nila kayo! Ang tulong ay lumalapit sa mga taong nararapat pa rito, kaya huwag kang mag-alala.
At higit sa lahat, ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ข๐๐จ๐๐ฃ๐คโฆ ๐ข๐๐ฎ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ ๐จ๐ ๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ. Bilang parte ng isang kilalang Katolikong pamantasan, maipamamalas natin ang katangian nito ni Rizal sa pamamagitan ng araw-araw na pagdarasal para sa gabay at proteksyon laban sa mga taliwas sa kabutihan. Ang pagbibigay rin ng halaga sa ๐ต๐ณ๐ช๐ข ๐ฉ๐ข๐ฆ๐ค na sumisimbolo sa matibay na pundasyon ng ating Unibersidad. ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐, ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐, ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ก. Ito ang mga naging pundasyon sa pagtatag ng kasaysayan ng ating Unibersidad. Ito ang mga bagay na kailanmaโy hindi kukupas sa sansinukuban.
Sa ating paggunita ng ika-isandaaโt dalawampuโt anim na anibersaryo ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal, nawaโy maalala at maisapuso rin natin ang kanyang mga magagandang katangian. Ito rin malamang ang mga bagay na nagpakawala sa atin mula sa rehas ng diskriminasyon at kolonyalismo ng hilagang-kanluran. Nawa'y maisabuhay natin ang mga ito hindi lang bilang isang Tomasino, kundi bilang isang Pilipino. Saludo sa iyo, Gat. Jose Rizal!
Comments