top of page

Sa Baybayin

Updated: Dec 30, 2020


Larawan ni: Kevin Yee
Larawan ni: Kevin Yee

Nakatingin ako sa baybayin. Ang daliri ay binabagtas ang basang buhangin.

Gustong hanapin pagkakakilanlan ng pinagmulan. Baka sakaling mabuo muli ang watak-watak na lipunan.

Natapos na ng daliri ang pagbabaybay. Hinalikan muli ng alon ang buhangin. Nabura ang Baybayin, sa dagat ay sumabay.

Iuukit ko ito muli hanggang sa dulo ng aking hininga, ngunit sa aking pagkawala, may magpapatuloy pa ba ng aking gawa? - Sulat ni: Kevin Yee

50 views

Related Posts

See All

Comments


bottom of page