top of page

Punong Kahoy


Written by: Sota

Art by: RAZ


nagsisimula ang lahat sa isang buto na itinanim sa isang malawak na lugar tinubigan, naarawan, at inalagaan ito upang maging isang matibay na puno ang puno ay mayroong iba't ibang bahagi isa na ang ugat, ang pinagmulan ng lahat katawan, na nagbubuhat sa ibang miyembro katulad ng mga sanga, dahon, at bunga ang trabaho ng sanga ay simple lamang suportahan ang mga dahon at bunga panatiliin silang malusog, makulay, at siguraduhing sila ay may buhay kapag ang sanga nama'y nagkaroon ng sira ang ibang bahagi nito ay madadamay maaaring ito ay maputol o di kaya'y malason at makikita ang epekto nito sa mga bunga ang mga bunga'y unti-unting mabubulok una'y magiging kayumanggi hanggang sa maging itim at kapag binuksan mo ito'y lalabas ang nakapandidiri nitong amoy at itsura hindi rin malabong lumubha at mahawa ang iba't ibang sanga na nakapalibot dito at makikita mo rin sa mga ito na ang bunga nila'y pare-pareho ngunit lagi nating tatandaan na kahit ilang sanga man ang maputol hindi babagsak ang puno... huwag lang malason ang katawan

57 views

Related Posts

See All

Comments


bottom of page