top of page

Pighati


Written by: sota

Art by: Jayvee Fulgencio (zerotonin)


itay, kailan ba ito matatapos?

sa puntong ito, hindi na sakit ang parusa

nagkakainan na ang aking sikmura't

tila laway nalang ang bumubuhay sa'tin


ako'y pagod na sa kakahintay

hindi natin alam kung kailan sila babalik,

kung saan sila mahahagilap

at wala na ring mga tao sa paligid


kung meron ma'y hindi tayo pinapansin

na para bang insekto lang sa daan

na walang ibang makain kundi basura,

mas magaan pa nga ang buhay sa selda


itay, magpahinga ka nalang muna

at ako naman ang gagawa ng paraan

para ika'y makaraos kahit papaano

habang ako'y nasa hantungan

92 views

Related Posts

See All

Comments


bottom of page