1.
Bisala para sa matandang propesor
nang makita ang isang grupo sa kalye
hawak ang mga kartel: panimdim sa
mata ang awit ng pagtutol dahil
hindi pang-akademya’t statistiko,
hindi nauugnay sa merkado.
2.
Sa plataporma,
kita niya sa mukha ng mga bata
ang labas-pasok na panayam,
nais linisin ang pang-araw-araw
na trahedya’t abuso sa tungkulin—
pangarap mapagtantao ang
hubad na kasangkapan ng estado’t
deribatibo ng produksyon
mula kanluran.
3.
Bitag ang akalain sila
na bihasa sa akademiko ng
unang mundo ang hindi
estranghero.
- Badiou
Comments