top of page

Adobo


Poem by: Jhannah Soriano

Art by: Roselle Andrea Santiago


Hiwain nang malillit

ang mga pagsisisi (bawang, at sibuyas)

Gisahin hanggang lumambot at bumango.

Mag-ingat sa mantika at tandaan na

nakaraan mo lamang iyon.

Pagkatapos ay isabay na ang

mga sakit na idinulot sayo (manok o baboy)

Hayaang maluto hanggang

wala nang pula ang karne

at ikaw rin ay naghilom

Lagyan ng tig-kalahating tasa

ng inis at pagod (toyo at suka)

Dagdagdan ng lungkot at takot (paminta at laurel)

Haluin lahat ng pinigilan mong luha (tubig)

At pakuluin hanggang

Napatawad mo na ang iyong sarili.

Isa-isahin mo

Ang mga pait sa mundo

kaya mong hiwain, pakuluin

at magluto ng masarap na adobo.

184 views

Related Posts

See All

Comments


bottom of page