top of page

EXCITE 2019, ginanap ngayong linggo!



Isinulat ni: Rendel Ang

Litratista: Jann Kaizer Tena, Christian Mungcal, Marco Aganon, Sherwin Dignadice


Ika-6 at ika-7 ng Agosto — Martes at Miyerkules, ginanap ang EXCITE 2019 na may temang “Spiderman: Into the Spiderverse”, kung saan naipakilala ang mga estudyante hindi lang sa kanilang mga bagong kamag-aral at mga kapisanan, kundi sa kultura ng Unibersidad ng Santo Tomas.


Sa kabila ng pagpapaliban ng petsa ng ROARientation 2019, na dapat ay naganap noong ika-5 ng Agosto. Lunes, masigabong nagsimula ang EXCITE 2019 sa pagdaraos ng Thomasian Welcome Walk kung saan papasok ang mga bagong mag-aaral sa Arch of the Centuries na nagsisilbing tradisyon upang opisyal nang maideklara ang isang estudyante bilang bahagi ng pamilya ng Tomasino. Nakatanggap ng mga sweatband, pamaypay at aspile ang mga bagong mag-aaral kaakibat ng kanilang “freshie kit”. Pagkatapos nito ay dumiretso sila sa Quadricentennial Pavilion kung saan naganap ang ikalawang misa ng pang-akademikong taon.


Pagkatapos ng misa ay nagsibalikan sa mga silid aralan ang mga estudyante at pinamunuan ng mga myembro ng iba’t ibang organisasyon ng pakultad ang mga palarong nagsilbing pagpapakilala at pambungad sa bawat isang pangkat na magsasama para sa kanilang unang semestre. Ito ay nagpatuloy hanggang sa pangalawang araw ng nasabing kaganapan.


Nagtapos EXCITE 2019 ang sa pagpapakilala ng mga kapisanan ng kolehiyo sa lahat ng mga pangkat upang hikayatin silang sumali at higit pang makulayan ang kanilang paglalakbay sa mundo ng inhinyeriya ng Unibersidad ng Santo Tomas.

50 views

تعليقات


bottom of page