Alay na misa idinaos ng EE department para sa mga kukuha ng board exams
- Thomasian Engineer
- Aug 28, 2018
- 1 min read
Isinulat ni: John Anthony M. Yumul |

NAGKAROON ng misa para sa Departamento ng Elektrikal Engineering para sa nalalapit nilang pagsusulit. Ang misa ay pinamunuan Ni Fr. Boy Luanzon O.P. at ginanap sa Santissimo Rosario Parish. "Sa pagsusulit nito madalas napapalapit tayo sa Diyos, nagdadasal upang maipasa ito. Hindi lang tayo sa dasal kakapit pero gawin parin ang best natin" sabi ni Fr. Boy. Pagkatapos ng misa nagkaroon ng panalangin para sa mga kukuha ng pagsusulit. Ang nalalapit na pagsusulit ay nakatakda ng Setyembre 1 at 2.
Kommentare